Kartilya ng Katipunan~paradise philippines

Kartilya ng Katipunan
ni Emilio Jacinto

  1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.
  2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
  3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.
  4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigtan sa dunong, sa yaman, sa ganda...; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
  5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri.
  6. Sa taong may hiya, salita'y panunumba.
  7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di na muli pang magdadaan.
  8. Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.
  9. Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
  10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
  11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuharan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.
  12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.